April Boy Regino Nalagpasan ang Sakit na Cancer

Masayang ibinalita ng singer na si April Boy Regino sa programang “StarTalk TX” nitong Sabado na nalampasan niya ang nakamamatay na sakit na cancer.

“Sa ngayon po ay cancer free na ‘ko. Salamat po sa Diyos at binigyan niya ako ng panibagong buhay,” pahayag ni April Boy sa live interview sa kaniya nina Butch Francisco at Heart Evangelista sa “Startalk” ng GMA-7.

Sinabi ng singer na nasa likod ng mga sikat na kanta gaya ng “Hindi Ko Kayang Tanggapin” at “Honey My Love So Sweet,” na taong 2009 nang matuklasan niya na mayroon siyang prostate cancer habang naninirahan sa Amerika.

Source GMA7 >>